[English translation follows] Nahihilo pa ako at matagal ang naging byahe sa bus, pero nakarating din ako sa wakas dito sa Toronto. Dito na nakatira ang nanay ko sa kasalukuyan nilang tinitirhan ng mga halos dalawang taon na rin, at bagama't nauna siyang tumira sa katabing siyudad ng Mississauga, dito sa Toronto balak manatili ang aming pamilya sa nalalapit na pagdating nila dito. Ako naman ay mas gusto kong manatili sa Montreal dahil sa umaatikabong pagpapalaganap ng sining duon na nagbibigay ng inspirasyon at gana para sa aking sariling paglikha. Sa madali't sabi, ilang pabalik-balik na rin ang ginawa ko rito simula nuong napadpad ako sa Montreal para mag-aral. Kahit na nakakapagod ang byahe, nasanay na ako sa mga ganito kahahabang byahe. Kung tutuusin, mga mahigit 11-12 oras rin ang pinakamatagal kong naging byahe sa lupa (mula bahay hanggang bus terminal sa Quezon City papuntang Isabela), at mga humigit-kumulang na 16 oras ang pinakamatagal naman sa himpapawid (papuntang ...