Nomad

[English translation follows]

Nahihilo pa ako at matagal ang naging byahe sa bus, pero nakarating din ako sa wakas dito sa Toronto. Dito na nakatira ang nanay ko sa kasalukuyan nilang tinitirhan ng mga halos dalawang taon na rin, at bagama't nauna siyang tumira sa katabing siyudad ng Mississauga, dito sa Toronto balak manatili ang aming pamilya sa nalalapit na pagdating nila dito. Ako naman ay mas gusto kong manatili sa Montreal dahil sa umaatikabong pagpapalaganap ng sining duon na nagbibigay ng inspirasyon at gana para sa aking sariling paglikha. Sa madali't sabi, ilang pabalik-balik na rin ang ginawa ko rito simula nuong napadpad ako sa Montreal para mag-aral. Kahit na nakakapagod ang byahe, nasanay na ako sa mga ganito kahahabang byahe. Kung tutuusin, mga mahigit 11-12 oras rin ang pinakamatagal kong naging byahe sa lupa (mula bahay hanggang bus terminal sa Quezon City papuntang Isabela), at mga humigit-kumulang na 16 oras ang pinakamatagal naman sa himpapawid (papuntang Toronto at pati na rin Frankfurt mula Maynila). Kumbaga, ang 6 na oras ng byahe parito ay parang sisiw na lang.

Naging hilig ko na rin ang pagbyahe simula nuong naranasan kong lumabas ng bansang Pilipinas nuong 5 taon nang nakakalipas. Nagsimula eto sa pagsali sa mga music festivals sa labas ng bansa na kung saan nabibigyan ako ng pagkakataon para marinig ang aking mga likha (at kapansin-pansin na mas may pagkakataon ka sa labas kesa sa sariling bansa). Dumating sa punto na pinipilit kong magpabalik-balik sa Indonesia sa loob ng 3 taon para magbakasyon dahil bukod sa pareho lang halos ang pamumuhay duon at sa Pilipinas, may mga kaibigan akong pwedeng bisitahin sa Jakarta, Bandung o Yogyakarta. Unti-unti na rin akong natututong magsalita ng wikang Bahasa. At kung mataon mo lang ang mga murang pamasahe sa Cebu Pacific Air, pwede na (nakakuha pa ako nuon ng Piso Fare pa-Jakarta na nagkahalaga ng mga Php1,000+ [$30] kasama ang tax).

Kahit sa Israel na kung saan namalagi ako ng halos 2 linggo dahil sa isang music festival ay ilang beses din akong nagpabalik-balik ng Jerusalem at Tel Aviv. Bukod sa madali lang ang byahe (18 shekels ang pamasahe, sa pagkakatanda ko), sa Jerusalem nagtatrabaho ang aking tita (na pinsan ng nanay ko) kaya nagkaroon din ako ng pagkakataon na makilala ang mga iba pang mga Pinoy na nakakasama niya. Tandang-tanda ko pa ang pagdating ko sa Tel Aviv mula Jerusalem na naligaw-ligaw ako kasama ng mga bagahe ko papunta sa hotel na tutuluyan naming delegates dahil lang hindi ko alam nuong oras na yun na sa sakayan ng tren ang babaan ng mga sherut at hindi sa terminal ng bus na nasa ibang parte ng siyudad.

Kahit nuong hindi na ako bumibyahe palabas ng bansa ay tipikal na araw pa rin sa akin ang humigit-kumulang na 1 oras at kalahati para lumayag mula bahay hanggang sa UP aking mahal. O isang oras mula Paranaque (sa bahay ng tita ko) hanggang Maynila nung nagtuturo pa ako sa St. Scholastica (at isang oras din mula St. Scholastica hanggang UP para sa aking tinuturuang klase duon). O kaya mga 2-3 oras nung nagsisimba na ako sa Victory Church Malolos tsaka nung nagtuturo na ako sa Malolos at sa San Rafael, Bulacan. Nakakatawa na maski magkakatabi lang ang aking bayan ng Meycauayan at Malolos ay nangangailangan pa munang tahakin ang daan papuntang Quezon City dahil mula sa tirahan namin, walang madaling byahe na derecho papuntang Malolos. Mas lalo na kung pa-San Rafael pa.

Dahil pinag-uusapan na rin lang ang aming tirahan, masasabi kong isang malaking dahilan na rin eto ng palagiang pagkilos namin. Ang subdivision na tinitirhan namin ay sakop ng Meycauayan, Bulacan, ngunit nasa pinakagilid na kami ng naturang bayan na tipong pagbaba mo lang ng gate ng subdivision, nasa Caloocan City ka na agad (na parte na ng Metro Manila). Kaya dahil Metro Manila na agad pagbaba, natural lang na lahat ng aming pagkilos ay laging papuntang Metro Manila. Dahil malayong-malayo kami sa mismong sentro ng bayan (na mangangailangan pa ng halos isang oras din ng pagbyahe: Php60 [$1.50] na tricycle at mga Php10+ [$0.25+] na sakay sa jeep), wala kaming masyadong alam sa nangyayari sa bayan ng Meycauayan kahit sinasabi ng aming address na taga-Meycauayan kami. Lahat ng galaw namin ay laging nasa direksyon ng Metro Manila. Kaya pag sinasabi ko sa mga kaklase ko sa Deparo at Novaliches nuon na sa Bulacan ako nakatira, lagi silang nagugulat at laging sasabihin na nasa probinsya na ang aming tirahan. Yan ang napapala ng mga nakatira sa mga kagilid-giliran ng mga lugar. Hindi nga ba't nakakalito?

Sa madali't sabi, ang pagkalito na ito ay nadala ko kahit sa aking pagkakakilanlan ng sarili. Nagkaroon ako ng maraming kilala dahil sa mga dumating na pagkakataon sa akin na makarating ng iba-ibang lugar, pero kasabay nito ay unti-unting naging tanong sa akin kung saan ako nalulugar sa lahat ng ito. Sa mga natutunan ko, sa mga narating ko, at sa mga nabuong kaisipan base sa aking mga karanasan at pagninilay-nilay ko, unti-unti kong naramdaman na wala sa mga malapit kong kaibigan ang nakakasabay at nakakasakay sa agos ng kamalayan ko. Nararamdaman kong unti-unti akong nagiging isang Pilosopo Tasio na pwedeng may angking talino para sa taong bukas ang isip, o pwedeng maging isang simpleng mangmang lang na walang alam sa buhay para sa karamihan. Para saan pa ang pagkamit na karunungan, ang paglikha ng sining, ang pagpahayag ng sariling pagkatao at ang pagtahak ng sariling daan kung wala namang nariyan, walang handang makinig, walang gustong umunawa, walang pagkukusang kilalanin ang pinanggagalingan nito? Nasaan na nga ba ang nararapat na lugar para malayang tahakin ang lahat ng ito ng walang pag-aalinlangan at takot na pagkatapos ng lahat ng ito'y maiiwan lang ako mag-isa? Sino na nga ba ang mapang-unawa? Sino na nga ba ang nasa tabi ko sa mga tagumpay at hinagpis ko? Sino na nga ba ang mga tunay kong kaibigan? Saan na nga ba ang dapat na kinalalagyan ko? Kaninong mga buhay ako nabibilang? Kanino ako magkakaroon ng silbi?

Kaya't para mapunan ang kawalan ay bumibiyahe ako. Tinatahak ko ang mga mahahaba at malalayong paglalakbay. Nakaabot na ako ng Bulacan, ng Cabanatuan, ng Pangasinan, ng Isabela, maski sa Iloilo sa Kabisayaan...bukod sa pagsasagawa ng mga outreach at mission trips ay naisip ko na baka makita ko ang hinahanap kong katiwasayan ng puso sa pamamagitan ng walang hintong pagkilos. Pero hindi lang itong klase ng paglalakbay ang nagawa ko; dumating din sa punto na nagkaroon ako ng iba't ibang klase ng persona. At sa pagkakaroon ng iba-ibang paglalarawan ng pagkatao ko ay pilit ko ring tinatahak ang mga agwat na naghihiwalay sa mga ito. Naging masayahing tao ako para sa mga taong masayahin. Naging malalim ako na tao para sa mga taong naghahanap ng karunungan. Naging kunsintidor ako sa mga taong kelangan ng kunsinte. Nakadepende ito sa kung sino ang kausap ko. Ngunit sa ganitong pamamaraan ay madalas natatakpan at napapag-iwanan kung ano ang sarili kong kagustuhan, ang sarili kong pangarap, ang sarili kong mundong gusto kong galawan. Kahit na lumalaki at lumalago ang ibang parte ng buhay ko, laging maiiwan at maiiwan ang parte na mas naikakabit ko ang sarili kong pagkatao.

Malakas at matikas ang utak, ngunit mahina at babasagin ang puso. Paano pa kaya kung ang utak na mismo ang pagod sa pagbyahe? Parati na lang na ikaw ang lumalabas sa lungga, pero walang nagpapakitang-gilas na lumabas sa sari-sarili nilang lungga para abutin ka. Ikaw na lang lagi ang nagpapahiwatig, pero walang nakakahuli ng totoong nilalaman nito. Ikaw na lang lagi ang nasa kagiliran at kasuluk-sulokan, habang wala namang nakakaalala ni nakakapansin.

At kahit na ba muli akong bumiyahe pabalik ng Pilipinas, may nag-aantay bang pamilya na sasalubong sa akin? O pati ang alaala ko'y nakalimutan na rin?

Siguro sa sobrang sanay na akong lumarga, pakiramdam ko na ang pananatili sa isang lugar ay isang malaking aksaya lamang. Nababagot ako pag nasa isang lugar lang ako. Nababagot ako pag pati ang utak ko ay nasa iisang lugar lang sa napakalawak na puwang ng pag-iisip. Nababagot ako pag pakiramdam ko ay nanigas lang sa gitna ng daan ang agos ng aking buhay. Ngunit sa walang hintong paglalakbay, dumarating din sa punto na hihingiin mo rin ang sarap at ginhawa ng pagtigil sa isang payapang lugar na may kasamang kasiguraduhan na hindi ka nag-iisa sa iyong pananatili.

Gusto ko ngayong malaman kung ako'y muling makakatakbo ng may bagong pag-asa o mag-aantay muna ng panibagong pagkakataon habang hinahanap ko muli ang sarili. Kaya habang naghihintay ay magpapalutang-lutang muna ako sa ngayon. Bahala na ang Diyos kung saan ako mapapadpad.

- mula sa isang nomad

===================================

Albeit feeling dizzy from the long bus travel, I finally arrived here in Toronto. Since two years ago, my mom relocated here in this very apartment she lives on now, and though she initially lived at Mississauga for a while, the whole family plans to settle down here in Toronto upon their impending arrival. As for me, I prefer staying in Montreal because of the vibrant art scene that gives inspiration and motivation in my art creation. Summing it up, I've been coming back and forth here since arriving in Montreal to study. I've been used to these long, exhausting travels. In fact, the longest travel I've done on land is like 11-14 hours (from my house to the bus terminal in Quezon City, taking a ride to Isabela), and the longest on air would be like 16 hours (from Manila to Toronto or Frankfurt too). Given that, 6 hours of travel going here is just a piece of cake.

I got hooked with traveling since I got out of the Philippines 5 years ago. It all started with participating in music festivals abroad where I was given opportunities to hear my own music (and it's noticeable that there are more opportunities abroad than in the home country). It came to a point that I really see to it that I go back and forth in Indonesia for holiday breaks in the span of 3 years because besides having a similar environment and vibe to that of the Philippines, I have friends in Jakarta, Bandung or Yogyakarta whom I can visit. I also gradually learned to speak Bahasa. And if you got to avail the cheap air fare promos from Cebu Pacific Air, you're good to go (I even got a Piso-Fare promo for a Manila-Jakarta roundtrip ticket costing only Php1,000+ [$30] plus tax).

Even in my almost 2-week stay in Israel for a music festival, I also managed to travel back and forth Jerusalem and Tel Aviv. Besides travel being very convenient (one-way fare costs 18 shekels, I remember), my aunt (who is my mother's cousin) works there in Jerusalem too so I got a chance to meet other Pinoy friends of hers. I still remember when I finally got to Tel Aviv from Jerusalem that, with baggage and all, I got lost on the way to the hotel where the delegates are checked in only because I didn't have the faintest idea that the sherut routes unload passengers at the train station and not the bus station in another part of the city.

Even when I didn't get to travel abroad anymore, my typical day still consisted of more or less 1 1/2 hour travel from my house going to my beloved UP. Or 1 hour from Paranaque (in my aun't house) going to Manila when I was still teaching at St. Scholastica (and an additional hour from St. Scholastica to UP for my other teaching job there). Not to mention some 2-3 hours of travel when I was already attending at Victory Church Malolos and when I was teaching students in Malolos and San Rafael, Bulacan. It's kinda peculiar that while my hometown Meycauayan is just situated beside Malolos, I still need to traverse the road all the way to Quezon City just because there is no direct route at all to Malolos from my place. Even more so when going to San Rafael.

Since we're already talking about my home address, I would say that this is one big reason for our nonstop moving around. We live in a subdivision that is located in Meycauayan, Bulacan, but we live in the fringes of the town that once you go down and out the subdivision gate, you immediately set foot in Caloocan City (which is part of Metro Manila). Because we're so far away from the central part of town (going there requires almost an hour of travel too: Php60 [$1.50] worth of tricycle fare along with around Php10+ ($0.25+) jeepney ride), we aren't really connected much with Meycauayan even though our address says so. All of our activities gravitate towards Metro Manila. That's why when I told my classmates before in Deparo and Novaliches that I live in Bulacan, they always get shocked and imagine that I live in the province. That's what people living in the fringes get all the time. Confusing, eh?

Cutting the long story short, this confusion also permeated in my own identity. I got to know a lot of people because of the opportunities being in other places offer, but at the same time, I found myself being alienated in all of this. With what I've learned, with the places I've reached, and with all the learnings I got from experience and reflection, I gradually felt being drifted apart from the people I value so much, people who now don't seem to get my drift. I felt like I'm being transformed into some "Tacio the Philosopher" who could be known for a brilliant person (by an open-minded audience) or a foolish one (by the common folk). All of this knowledge-seeking, art creation, human expression, finding one's own individual path...what are they for if no one is around to listen, to understand, to be curious with the person behind all of these? Is there even an existing space where you can freely seek all of these without hesitation and fear of being isolated and detached from everyone? Who understands anyway? Who stands by my side during all my successes and failures? Who are my real friends? Where do I fit in? Which lives should I belong to? To whom will I find significance?

So to fill in the void, I travel. I traverse long and winding roads. I've reached Bulacan, Cabanatuan, Pangasinan, Isabela, even Iloilo in the Visayas...while organizing outreach and mission trips, I was thinking that maybe I'll find peace in my heart through some nonstop work and action. But I've traversed more than this; it came to a point that I cultivated different personalities. And I tried traversing all of those kinds of personalities people have known me to be. I assumed a happy personality for those people who are cheerful. I assumed a thinker personality for those who seeks knowledge. I became tolerant to those who needs understanding. It depended on who I was dealing with. But most of the time, I had set aside and neglected what I really want: my own dreams, my own world that I want for myself. Even though parts of me are maturing, I always leave behind that part which I really associate my whole being with.

The mind is strong-willed and sturdy, but the heart is weak and fragile. What happens more when the mind couldn't take it any longer? It's always you who comes out of your comfort zones, but no one even tries to come out of theirs to reach out to you. It's always you who gives out cues and hints, but no one is able to catch them and analyze them for what they are. It's always you who sit in the fringes of everything, while no one even remembers and notices that.

And even if I go back to the Philippines, will there be a family that will greet me there and then? Or maybe even the memory of me has long faded already?

Maybe it's because I'm used to traveling that being stuck in one place is one big waste. I get impatient when I get stuck. I get impatient when my mind only stays in one place even with the whole wide spectrum of thinking available. I get impatient when I feel that my life gets frozen somewhere along the way. But in a never-ending journey, you also come to a point that you seek the peace and serenity of stopping in a secure place where you are assured that you're not all alone from where you are.

Now I really want to determine if I could stand up and run once again with some renewed hope or if I should wait more for some new opportunities while I find myself again. Maybe while I'm waiting, I should just float around and let God bring me to the right places.

- from a nomad

Comments

Song said…
I am so confused with all the places names haha. If only I can have access to a visual map from your brain. Thanks for sharing brother.

Popular posts from this blog

Thoughts on “Have We Even Arrived Before Coming Back Home Again?”

Inspiration: Bus Ride Back to Toronto