Nomad (part 2)

[English translation follows]

Ayan, oras na uli para umupo, alalahanin ang mga araw na dumaan, at magsulat.

Kinukwento ko lang kani-kanina sa kaibigan ko ang binabalak kong special project ngayong darating na pasukan. Wala pa man pagsang-ayon ng departamento at ng paaralan ngunit inuunahan ko na sila. Ito ay patungkol sa mga isyu ngayon ng Pilipino at ng taga-Southeast Asia sa kanilang pagkakakilanlan sa sarili at sa kanilang identity na dulot ng sinaunang pananakop ng mga dayuhan, at kung paano ito umaayon sa mga kompositor at sa musika nila. Si Jose Maceda ang pinaka-sentro ng diskursong ito, at masigasig ako na gawin ito dahil sa nakikita kong pamamalagi ko sa McGill ay walang ganung klaseng pagkakataon para sa akin at sa mga ibang estudyante na makarinig ng ganitong usapin patungkol sa musika. Sabi nga ng kaibigan ko na "hindi ba't hindi na siya bago?" at sang-ayon din ako, ngunit napagtanto ko na pag nagsasalita na ako tungkol sa kabilang dako ng mundo na kinabibilangan ko, marami sa mga taga-rito ay walang alam o may maling kaisipan o pagkakakilanlan sa atin. Ni ang guro ko ay hindi alam ang pananakop at pang-aabuso ng mga Kastila sa atin. Sa suma't tutal, onti lang ang kaalaman ng mga tao dito sa bigat ng epekto ng pananakop ng Kanluran sa atin (kaya't kinokontra ko ang ilan sa mga ito sa pamamagitan ng pag-iisip at pagsulat ng blog sa sarili kong wika...alam na!).

Kaya ako nagbabasa sa ngayon ng mga nobela tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal. Kasunod pa ang nobela na Things Fall Apart ng Nigerian na manunulat na si Chinua Achebe. Sa katunayan, maraming nakapilang mga libro na kelangan kong basahin patungkol sa pagkakaiba-iba ng lahi, ng mga maling pamamaraan ng pag-alam (kaya meron akong kopya ng Orientalism [Edward Said], Decolonising the Mind [Ngugi wa Thiong'o], Postcolonialism and Filipino Poetics [J. Neil Garcia], mga libro ni Gayatri Spivak na mukhang mahirap intindihin, atbp), syempre ang mga ideya ni Jose Maceda, at ang pangkasalukuyang estado ng musika ngayon sa naturang rehiyon (mga sulatin nina Ramon Santos, Jonas Baes na aking pinakamamahal na guro/tatay, Dieter Mack, atbp). Masyado akong maraming babasahin, at kasabay pa nito ang palagiang pakikipag-usap sa chat sa mga kaibigan ko na kapwa kompositor din para lumawak at magkaroon ng malakihang pagtatalakay nito. Kasabay rin ang aking pagsusulat para sa malaking orkestra, at pagtatapos ng trabaho sa pananaliksik (na ako na ang umako sa mga pagkukulang ng mga kasama ko). Ang trabaho nga naman ay nagpapalaya ("Arbeit macht frei"), ika nga ni Lorenz Diefenbach at, ng lumayon, mga Nazi.

Mula sa huling entry ko ay naisulat ko ang pagiging isang nomad. Pero pagkatapos gawin yun ay naisip ko na parang kulang ang pagkakasulat ko at pagsasalin ng aking mga naiisip sa salita. Mahirap ilabas sa salita ang mga nasa isip, dagdagan pa na kelangan sa Tagalog ako mag-ensayo ng ganitong gawain. Ang mga kalokohan nga naman na pinaggagagawa natin, ano? Pero mabalik ako...naalala ko na may kausap akong kaibigan tungkol sa isang parte ng Noli Me Tangere na naglalaman ng mga sinasabi ni Pilosopo Tasio. Eto at ipinakita ko sa kanan ang parte na iyon (pasensya na pero nasa wikang Ingles ang binabasa ko ngayon). Ang pinakapunto ni Pilosopo Tasio dito ay hindi mo na alam kung sino ang mangmang, ang nang-aapi at ang kaawa-awa. Maaawa ka ba at makikiramdam sa mga nakararami na nagugulumihanan at nadidismaya sa isang pobreng nilalang na napangalanan na mapagkunwari/mapagmataas/mayabang/baliw, o maaawa sa taong may ibang antas ng pag-iisip na hindi pinapakinggan ng mga nakararami?

Hindi ko alam kung nararapat kong ilagay ang sarili ko dito sa sitwasyon na ito, pero dahil sa pagiging malayo sa kabihasnan na nakilala ko, nararamdaman ko ang hinagpis ni Pilosopo Tasio sa mga sinabi nya. Kung ang karunungan na nagmula sa kabilang ibayo ay magdudulot lamang ng sigalot o kawalan ng katahimikan sa lipunan, nararapat na lang ba na isantabi ito? Maski hanggang sa panahong ito ay nakikita mo na totoong nangyayari ito sa sariling bayan. May kagustuhan na umangat ang bayan ngunit nahihirapan silang umayon sa mga bagay na hindi magpapayaman o magpapabuti sa kondisyon nila sa maikling panahon. Nawala ang kakayanan ng mga tao na maging kritikal sa pag-iisip. Ang realidad ng squatter sa siyudad ay nananatiling nakabara lang sa estero. Ang pag-usad ng pananaliksik sa teknolohiya at siyensya ay napupurnada dahil sa kakulangan ng pondo. Pati ang pagsasaayos ng imprastraktura ay nahahadlangan dahil sa hindi matinag-tinag na pag-aalala sa mga puno. Sa huli, hindi mo na alam kung sino ang paniniwalaan: ang taong may kapangyarihan at nasa pwesto, ang taong tuwid, o ang mumunting angal o reklamo ng mga mamamayan.

Wala kang papanigan ng walang malakas na batayan, ngunit sa kondisyon ng sariling bayan ay hindi mo na alam kung nababagay ka pagbalik mo. Iba na ang tingin sayo: sasabihan ka na nilang "Canadian ka na!" na pabiro, ngunit dahil sa nakalap mong bagong kaalaman, dahil sa pagbabago ng kaisipan na dulot ng pagiging malayo sa kanila, dahil sa mga karanasan mo na nagbigay ng bagong perspektibo, dahil sa mga sakit at hinagpis na kelangan mong lagpasan na malayo sa hinagpis nila ay magmumukha ka nang dayuhan sa paningin nila. Ang kritikal na pag-iisip na gusto mong maipasa sa kanila ay sasalubungin lang ng mga matang walang imik. May mga makikinig sayo, pero sa huli ay wala ka pa ring kakayanan para baguhin at sakalin ang puso't diwa ng mga tao. Hindi ka na nababagay rito.

Ang mga ito'y panghuhula sa hinaharap lamang. Hindi pa naman nangyayari ito sa aking realidad, pero hindi rin malayong mangyari ito. Ito ang mga bunga ng pagiging malayo, ng pagiging hiwalay sa agos, ng pagiging ako. Ganito ang mahiwalay sa mga nagbabagang uling. Sa una'y mainit ka pa, pero sa pagtagal ay mawawala ang init na ito. Mawawalan ka ng silbi. Wala ka nang kinalaman sa nakararami.

Kaya't lilingon ka naman ngayon papunta dito sa kinalalagyan mo ngayon. Pipilitin mong makibagay sa mga tao, gustuhin ang mga gusto nila, palakpakan ang pinapalakpakan nila, saluhin ang mga naiisip nila, pakinggan ang mga hinaing nila, gawin ang mga ginagawa nila. Kahit masakit dahil hinihiwalay mo na ang sarili mo para lang magawa iyon. Kahit masakit dahil hindi ito ang kinagisnan mo. Kahit masakit dahil hindi ka mabubuhay pag hindi ka nakiayon sa agos. Kahit masasakit dahil hindi mo pwedeng ipakita na masakit.

Kaya saan ka nga ba talaga papanig? Saan ka nabibilang?

Eto ata ang dinaranas ng mga karamihan sa mga Pilipinong lumalabas ng bansa para mamuhay sa mas mahalimuyak na hardin. O sa akala nating mahalimuyak na hardin. Pagdating dito ay siguradong para kang mabubuhusan ng tubig. Hindi mahalimuyak ang mga bulaklak sa hardin. Hindi masarap ang simoy ng hangin. Hindi ka malaya. Lahat nito, pati ang iyong kalayaan, ay dugo't pawis ang puhunan. Naalala ko ang napakalaking hardin ng kastilyo mula sa opera ni Bela Bartok na Bluebeard Castle. Napakaganda at sobrang makulay, na pati ang langit ay kumikinang sa matingkad na asul. Nakaambang ito, kasama ang iba pang mga magagandang bagay, para sa bidang babae na bagong kasal sa isang mayamang hari. Ngunit lahat ng ito ay may kapalit para sa lahat ng napapangasawa ng naturang hari: dugo nila ang pinandidilig sa mga halaman at bulaklak. Pati ang langit ay nabahiran na rin ng dugo nila.

Sa ibang panig naman ng pag-iisip, nuong Linggo lang ay nagkasama kami ng dalawang kaibigan ko sa Canada's Wonderland. Pagsamahin mo ang Enchanted Kingdom at Star City sa Pilipinas at isang daang beses mo syang palakihin: yun ang Canada's Wonderland. Dahil sa kaunting bilang lang ng mga taong nanduon, pakiramdam namin ang biyaya ng Diyos na nasa tamang oras at tamang lugar kami kasama ang mga tamang tao. Dito nasubok ang aking tapang. Dahil sa kahiligan ni James sa mga roller coaster rides, nahamon ang aking pagkalalaki at sinakyan namin halos lahat ng mga ito. Sakyan ba naman ang Leviathan at Behemoth...hanapin niyo na lang sa internet kung gaano kataas lahat ng mga yan. Pero unang beses ko talaga na sumakay sa mga ganito katataas na coaster rides, mas talo nito ang Space Shuttle ng Enchanted Kingdom. Bugbog ang mga katawan namin. Kawawa si Jomel na hindi na kinayang sakyan pa ang mga ito.

Nagsalita naman ang Diyos sa lahat ng ito. Kagagaling lang namin ng Wonderland at naglalakad na ako pauwi nuon galing sa subway station. Ramdam ko pa ang lula na dulot ng Leviathan at Behemoth nang pinaalala sakin ng Diyos ang karanasan ng free fall. Pakiramdaman lang ang pagsubok ng bungee jumping ng nakapiring ang mata. Naranasan ko na ang 15-30ft dive mula sa isang bangin pabagsak ng dagat, at mas nakakatakot na triplehin eto at gawin ng nakapiring. Pero ang mga eksenang iyon ay muli Niyang binabalik sa isip ko, at lagi na lang na ang unang sasabihin Niya sa akin e "magtiwala ka sa Akin, sasaluhin kita."

At napaalalahanan din ako na maging kuntento sa kung anong meron ako ngayon. Wala kang kaibigang nasa paligid? Maging kuntento sa piling ng Diyos. Wala kang pera? Makuntento sa kung anong meron sa refrigerator. Wala kang maisip na gawin? Makuntento lang na walang ginagawa sa ngayon. Walang oras dahil sa trabaho? Makuntento lang na may bumubuhay sayo (at may pagkakataon pa para magkaroon ng oras). Wala kang uuwian? Makuntento sa biyahe.

Ang pagiging nomad ay kapareho lang ng pakiramdam pag nalalaglag ng nakapiring. Hindi mo alam saan ka babagsak. Semento ba yan o tubig dagat o swimming pool? O sino ang sasalo. O kung may sasalo man. Pero syempre sa kaibuturan ng puso ko, alam kong may sasalo.

=============================

There, it's time to sit down once again, remember the past days, and write.

I was just telling a friend of mine about a special project I am planning this coming Fall term. The department and the school haven't issued any approval yet but I want to start way ahead already. It will be tackling issues of the Filipino and of the Southeast Asian community about their identity as a result of past colonialization and how this manifests in composers and their music. Jose Maceda will be the center of discourse, and I'm very eager to do this because seeing how I will be staying in McGill, no such discourse exists for me and other students to encounter challenging ideas about our music. My friend commented that, "Isn't it something not new anymore?" and I agree with that, but I also realized that when I speak out about how it is in our side of the world, many either just don't know stuff or have misconceptions or wrong mindsets about us. Even my teacher didn't know the Spanish colonization and the oppression this brought us. All in all, people here only know a bit of the weight of the effects of Western colonization to us (that's why I counter a few of the weight by thinking and writing this blog in my native language...now you know!).

That's why now I read novels like Noli Me Tangere (literally Touch Me Not) and El Filibusterismo (The Subversive) by Jose Rizal. To follow is a novel named Things Fall Apart by Nigerian writer Chinua Achebe. In fact, many books are in queue right now that I have to read, all about "difference", misconceptions and epistemological faults (that's why I have copies of Orientalism [Edward Said], Decolonising the Mind [Ngugi wa Thiong'o], Postcolonialism and Filipino Poetics [J. Neil Garcia], writings of Gayatri Spivak that seem very hard to understand, etc), of course the writings of Jose Maceda, and the current state of music in the region (in the writings of Ramon Santos, my beloved teacher/father-figure Jonas Baes, Dieter Mack, etc). I have so much to read, and along with that I chat a lot with friends who are also young composers to gain a wider arena of discourse. Along with these is my ongoing work for a large orchestra, and research work too (that I eventually took the brunt of it because of other people's neglect). Oh well, work makes freedom ("Arbeit macht frei") as Lorenz Diefenbach said. And the Nazis, too.

I wrote about being a nomad from my last entry. But after doing it, I felt that what I wrote wasn't enough, that my translation of my thoughts into words weren't effective much. It's difficult to verbalize thoughts, and add to that the burden of writing it all in Tagalog (N.B. majority of the Filipinos really have a hard time processing everything in pure Tagalog, for the language remained underdeveloped and that we got used thinking in both English and Tagalog, an aftermath of American colonization). The foolish things we do, eh? Anyway...I remembered that I was talking to a friend about a certain part of Noli Me Tangere that contains the words of Tasio the Philosopher. I'm showing it here on the right (sorry but it's the English version I'm reading now). Tasio's point is that you don't know anymore who is the simpleton, who is the oppressor, and who is the pitiful one. Would you take pity and sympathize with the people who are confounded and dismayed at a poor guy who was branded as  "pretentious"/"haughty"/"proud"/"crazy"? Or take pity at the person with a different stature of mind whom people don't listen to?

I don't know if it's appropriate to put myself in that situation, but being far away from the civilization that I'm no stranger of, I feel the sorrow of Tasio in his words. If knowledge and wisdom that comes from the other side of the world will only cause havoc or division in society, would it be right to just lay it aside? Even up to now, one would see that it is indeed happening in the homeland. There is a desire to uplift the country from its state, but people don't want to choose the hard way out which denies them immediate riches or comfort. People are losing their capacity to think critically. The reality of the urban squatter remains clogging the waterways. Advancement in technological and scientific research is bogged down by lack of funding. Even developing infrastructure is blocked by undying sentiments from lost trees. In the end, you don't know who to believe anymore: the one who is at power and authority, the righteous one, or the petty complaints of the people.

You won't take any side without strong bases, but in the country's current condition, you don't even know anymore if you'll belong once you're back. They will already see you as a different person: they might joke around that "you're now a Canadian!", but you've nevertheless become an "Other" in their eyes because of your newly-acquired knowledge, because of your renewed frame of mind brought by being far away, because of your experiences that gave you new perspectives, because of the pain and sorrow that you have to overcome. The critical mind that you want to impart to them will only be met with blank stares. There will be those who will listen, but in the end, you still don't have the capacity to change and control people's minds. You don't belong here.

These are just predictions, you know. This isn't happening so far in my reality, but it won't be far off too. These are the results of being distant, of being detached from the flow, of being me. This is how being a piece of coal separated from that burning heap is. At first, you're hot, but in the long run, you lose the heat. You lose your value. You end up not amounting to anything for the ones left behind.

So now you just turn your gaze and look around where you are now. You force yourself to relate to people, want what they want, applaud what they give regard to, absorb what they think, listen to what they complain about, do what they do. Even though it's painful because you detach yourself just to be able to do those. Even though it's painful because these aren't what you were used to. Even though it's painful because you die if you don't follow along. Even though it's painful because you can't show that it hurts.

So which side are you then? Where do you belong?

This is the plight of many Filipinos who immigrate to live in more fragrant gardens. Or what we think are much more fragrant gardens. When you arrive here, it will be a shock like being splashed in cold water. The flowers here aren't fragrant at all. The air isn't sweet and fresh. You're not free. Everything, including your freedom, demands a labor of blood and sweat. I remember the large gardens and fields of the castle from Bela Bartok's opera Bluebeard Castle. They are all lush and colorful, and even the sky is tinted in a bright blue. Being newly-wed to a king, the female protagonist will inherit all of these along with other beautiful things. But everything that the king's wives will inherit has a price: their blood will water the flowers and all things green. Even the sky will be tainted with their blood.

In another frame of mind, I had been with two friends in Canada's Wonderland. Put Enchanted Kingdom and Star City and multiply them a hundred times: that's Canada's Wonderland! Because only relatively few people were there at that time, we felt the blessing of God in being at the right place at the right time with the right people. My courage was tested! Because of James' addiction to roller coaster rides, my manhood was challenged and we rode almost all of them. Imagine riding the Leviathan and the Behemoth?...Just search how high these monsters are in the internet! It was my first time riding these high coaster rides, and they beat Enchanted Kingdom's Space Shuttle to a pulp. Our bodies were tortured. Poor Jomel who really couldn't pluck the courage to ride them.

God spoke through all of it anyway. We just came from Wonderland and I was walking home from the subway station. I still feel the weightlessness of the Leviathan and the Behemoth when God reminded me of having a free fall experience. Try to imagine yourself going bungee jumping blindfolded. I've already experienced falling from a 15-30ft high ledge down to the sea, and it's just unimaginable to triple that and do it with blindfolded eyes (N.B. I haven't tried doing that, so there). But He brought back these scenes and imaginations in my head, and it will always be these words that He will speak whenever that happens: "Just trust Me, I'll catch you."

And I was also reminded of being contented with what I have as of now. You don't have friends around you? Be contented with communing with God. You don't have money? Be contented with what you have in your refrigerator. You don't have anything to do? Be contented in not doing anything for the moment. You don't have time because of work? Be contented that you have a livelihood supporting you (and there will be other chances to have more time). You don't have anywhere to call home? Be contented in the non-stop journey.

Being a nomad is something like free-falling with blindfold. You don't know where you'll land. Will it be hard concrete or the ocean or the swimming pool? You don't know who'll catch you. Or if there's even somebody catching you. But of course, deep down in my heart, I know somebody will.

Comments

Popular posts from this blog

Thoughts on “Have We Even Arrived Before Coming Back Home Again?”

Inspiration: Bus Ride Back to Toronto