Gethsemane

[English follows]

Napansin ko na nuong 2008 pa pala nalathala ang pinakahuling entry dito. Hindi ko na maalala bakit huminto ako sa pag-aalaga ng naturang puwang na nakalaan para sa aking mga pagninilay-nilay, pero sa loob ng isang taon ay iilang kaibigan na ang nag-udyok sa akin para magsulat ng isang blog. Lingid sa kaalaman nila'y talagang meron nga akong isang blog, ngunit hindi ko naman maisip nuong mga panahon na iyon ang halaga ng pagpapanatili nito. Subalit nagbago ang aking pananaw tungkol dito bunga ng mga naging pangyayari nuong mga nakaraang linggo, at muli akong nangailangan ng isang lugar na pwede kong isalin sa pagsusulat ang aking mga hinanakit, mga pinagninilayan, at mga pananaw bilang therapy.

Wala naman akong kahit anong sakit, sa pisikal man o sa kaisipan. Ngunit sa pang-uudyok ng maituturing ko na ring malapit na kaibigan dito sa Montreal, sa pamamagitan ng pagsusulat ay maaaring magamot nito ang anumang sama ng loob na naipon sa loob ng 7 buwan kong pamamalagi sa isang banyagang kapaligiran. Kaya eto ako ngayon at muling sisikapin na buhayin ang puwang na ito; ang puwang na unang nagbigay sa akin ng inspirasyon para hanapin ang aking sarili sa kung paano nahulma ang aking pagkatao. At tatawagin ko ang puwang na ito bilang aking "Getsemane." Tulad ni Hesus na nagsarili sa hardin ng mga oliba para harapin ng may pagdurusa at hinagpis ang kabigatan ng nakatakdang layunin niya sa mundo, naniniwala rin ako na tayo man ay nangangailangan din ng kanya-kanya nating sikretong hardin para harapin ang Diyos at makipagbunuan sa Kanya patungkol sa kung anumang binibigay o hinahayaan Niya sa buhay natin.

Kaya ang aking Getsemane ay may tatlong pakay. Una: upang mapag-ensayo ko ang aking pag-iisip at pagsusulat sa wikang sinilangan (at natural lang na magkaroon rin ng salin sa Ingles), dahil alam natin na walang pwedeng pumalit sa antas nito bilang isa sa mga namana natin sa mga ninuno natin. Pangalawa: upang maibulatlat ng puwang na ito ang kalagayan ng puso't isipan ko, at merong lugar para ilatag ang kasalukuyang kalagayan nito. At pangatlo: upang pwede akong maging sarili kong "ako", kung paano ang "ako" ay haharap sa Diyos na (sana'y) walang magiging bahid ng pagkukunwari. Hindi ito sinulat para basahin ng lahat ng tao na hindi nakakakilala man lang sa akin at mabigyang-aliw sa nilalaman nitong puwang na ito; kahit na nakalathala ito sa publiko, ito ay para sa sarili kong panunuri at pagsisiyasat lamang.

Maaaring makapagsulat ako ng kahit isang entry lang kada linggo. Makikita na lang natin sa hinaharap kung anong mangyayari.

Kaya ayun.

=========================

I noticed that my last entry here was dated 2008. I can't remember anymore why I stopped taking care of this space that's really meant for my own musings, but a few friends of mine had been telling me to start writing a blog since last year. I actually have a blog without them knowing it, but I hadn't really realized the importance of maintaining it then. Though today, I changed my mind because of certain circumstances these past weeks, and I saw the need for a place where I could just therapeutically write off all my sorrows, my reflections and thoughts.

I really don't have any physical or mental sickness, mind you. But being convinced by who I now consider as one of my closest friends here in Montreal, writing would seem to heal all the emotional pain I've had for the whole 7 months of staying in a foreign land. So here I am now, reviving once again this existence of the space: this space that first gave me the inspiration to find myself, to explore how I am molded as a person. And I will be calling this space my "Gethsemane". Like Jesus who isolated himself at the olive gardens and dealt and struggled with the weight of his mission to the world, I also believe that we too have a need for our own secret gardens to meet God face to face and deal our troubles or anything He gives or allows in our lives with Him.

So my Gethsemane has three purposes. First, that I can practice thinking and writing in my own native language (and it's also sensible to produce an English translation) because we all know that nothing can ever replace our language as our heritage from our ancestors. Second, that my heart and my mind will be exposed and revealed in this space in its current state. And third, that I can be "myself" like how my own "self" will approach God (hopefully) without any more pretense. This isn't written for strangers among the general public to read and be entertained by what's in this space; this is simply for my own self-examination and purpose despite being publicly posted.

I might be able to write one post per week. We'll just see how it'll go in the coming days.

So there.

Comments

Popular posts from this blog

Thoughts on “Have We Even Arrived Before Coming Back Home Again?”

Inspiration: Bus Ride Back to Toronto