Disappearance

[English translation follows...]

Meron akong naaalalang isang kaibigan. Hindi ko alam kung bakit ko siya naalala, basta na lang siya biglang bumulaga sa utak ko. Isang mag-aaral pa ako sa unibersidad nuong nakilala ko siya, at sa pamamalagi ko sa kolehiyo ay tumagal naman ang samahan namin. Isa na siya sa mga ituturing kong naging malapit kong kaibigan nuon. Hindi naman kami yung mga tipong maloko at sutil, kaya hanggang asaran, suportahan sa natitipuhang babae at pamimilosopo ang pinag-iikutan ng mga kalokohan namin sa buhay. Naging magkaklase na rin kami sa iilang mga kurso na kelangan naming kunin sa labas ng kolehiyo, at maraming alaala ang naidulot nito.

Pero hihingi na rin ako ng dispensa, kasi bagama't sinabi ko na napakarami nga ng mga alaalang iyon, kakarampot na lamang ang mga talagang naaalala ko. Mahina ang aking utak sa pag-aalala ng nakalipas. Ang tanging alam ko ngayon, masakit man ito sabihin pero kahit hanggang ngayon ay hindi ko mawari kung ano ang nangyari at tila bigla na lamang siyang naglaho sa paningin ko at sa paningin ng iba naming mga kaibigan. Huwag niyo akong piliting tanungin kung anong nangyari, dahil tanging kibit-balikat lamang ang aking maibibigay.

Ang pinakahuling alaala ko na lamang sa kanya ay nung nakita ko siyang kasama sa isang welga sa unibersidad. Mga apat o limang taon na ang nakakaraan nuon. Ni hindi ko na maalala tungkol saan ang naturang welga.

Pero masyado ata akong atat magkwento. Balikan ko lang ang mga iilan.

Ikinararangal ko naman nuon na ako ang naging akompanista niya sa kanyang recital nuon. Binuno talaga namin nuon ang kanyang Saint-Saens piano concerto at mas naging madali ito dahil naging pareho ang aming guro sa piano (o sa ibang sabi, yung guro niya ang pinili ko nuong kinelangan ko nang bumalik sa pag-aaral ng piano). Masaya ako sa alaalang ito dahil alam kong sobrang mahalaga sa mga mag-aaral ng musika na mairaos ang kanilang mga recital requirements at alam kong nakatulong ako ng sobra sa kanya.

Naging ugali na rin namin nuon na sanayin ang sarili namin sa pagiging kritikal sa mga iilang mga bagay. Pati ang aming kaalaman sa wikang Aleman ay pinipilit naming huwag bitawan. Ito ay bunga ng pagkuha namin ng mga kurso sa Aleman tsaka sa Pilosopiya na kung saan magkasama naming inungkat ang kakayanan ng utak para saliksikin ang mga iba-ibang karanasan at pananaw sa buhay. Umabot pa nga ito sa punto na hard-boiled egg na ang naging bansag ko sa kanya na nagmula sa talamak naming asaran na "weichei" (weich ei, na ibig sabihin ay itlog na malambot/di gaanong nilaga). Lagi kaming may mga dinadamay na mga kaibigan sa asaran na iyan.

May isang nakakatawang alaala talaga akong hindi makakalimot at yun ay nuong nakitulog kami sa bahay ng kaibigan namin. Naging magkakabarkada kami kasama ng iilang mga bagong kilalang kaibigan sa isang kurso, at napagtripan lang namin na mag-overnight dun sa kaibigan naming nakatira sa isang magandang townhouse. Etong si mokong ay nakigamit ng banyo para maligo, at napansin lang namin na sobrang tagal niya sa loob. Nung naglaon ay lumabas na siya, at tawa kami ng tawa nung nalaman namin ang dahilan ng pagtagal niya. Nakalimutan daw niyang dalhin ang tuwalya niya sa banyo, at sobrang imposible na makiusap siya sa aming iabot ito ng hindi siya masisilipan dahil sa pwesto ng pinto tsaka ng mga salamin sa banyo. Dahil dun ay naisip na lang daw niyang magpatuyo sa loob!

Pero hindi ko talaga makakalimutan ang gawain niya na magbisikleta mula sa bahay niya sa Cubao pag pumapasok siya sa kolehiyo. Naaalala ko naman nung una ay hinahatid at sinusundo siya ng tatay niya na naka-sasakyan, tapos nung naglaon ay nagbibisikleta na lang siya. Manghang-mangha pa nga ako nuon dahil kahit delikado ang mga lansangan para sa mga nagbibisikleta ay kaya niya itong gawin. Hanggang kamakailan ay alam ko namang hindi rin maganda ang estado sa buhay ng pamilya niya, at yun ang talagang pagkakakilala ko sa kanya. Alam ko pa nga nuon na isang mansanas lagi ang dala-dala niyang baon para sa tanghalian. Tipid nga naman.

Tapos nalaman ko na nasa Amerika pala ang lola niya. Siya ang naging unang guro niya sa pagtugtog ng piano.

Tapos napansin ko na unti-unti na rin siyang sumasama sa mga pagpupulong ng mga "tibak" (yan ang tawag namin sa mga pulang aktibista na naging tipikal na brand mismo ng unibersidad) habang ako naman ay unti-unti ring nadismaya sa pulitika at pamamaraan ng mga tibak na ito kahit nahuhuli ko naman ang kanilang mga ipinaglalaban. Naaalala ko pa nuon na nung naging sentro ng pangungutya ang isa naming kaibigan na summa cum laude na nabigyan ng parangal na magbigay ng valedictory address ay hindi namin kasama ang mokong na ito sa aming pagdedepensa sa aming summa cum laude at sa pagbibigay hustisya sa kwento ng pakikibaka ng isang mag-aaral sa kolehiyo ng musika (makikita dito ang aking naging bahagi sa naturang pagkilos namin).

Hindi rin pala ako nakapunta sa kanyang pinakahuling recital dahil nasa South Korea ako nuon para lumaban sa isang patimpalak sa pagsusulat ng musika.

Hindi ko na maalala pano nangyari ang kanyang paglipad papuntang Amerika. Ang alam ko lang ay permanente na iyon; duon na siya titira. Tila biglaan na lang ang kanyang pag-alis. O baka akala ko lang na biglaan dahil wala akong kahit anong alaala patungkol sa pagpapaalamanan o kung anuman. Ang tanging alam ko lang ngayon ay hindi na siya nagpaparamdam, sa Facebook man o sa Skype. Tila bigla na lang naglaho ang presensya niya sa buhay ng lahat ng mga tao. Hindi rin siya nagparamdam o sumagot maski nuong ibinalita ko sa kanya nitong taon lang ang pagpanaw ng aming guro sa piano dahil sa sakit.

Syempre kelangan ko ring aminin na masakit ang ganitong sinapit ng samahan namin. Parang may naglahong bahagi ng buhay mo na hindi mo maipaliwanag at hindi mo na rin maipapaliwanag pa dahil hindi na ito babalik pa. Hindi tulad ng isa pa naming kaibigan na sa pagpanaw niya sa edad na 35 ay magandang alaala ang tanging naibaon sa mga puso namin; dito naman ay parang kang naiwan sa ere sa ganitong kalagayan. Kulang na lang siguro e suungin ko ang buong Amerika at magsagawa ng panawagan para lamang lumantad ang nagtatago. Minsan nga ay naisip ko rin na kung maibabalik lamang ang panahon e sana mas inalam ko pa ang kwento niya at mas pinursige ko ang pakikisama ko sa kanya para maiwasan ang nangyayari ngayon. Pero huli na rin ang lahat.

Ito rin marahil ang nararamdaman ng mga tao sa paligid ko pag ako ang humihiwalay sa kanila. Naiiwan sa ere. Nakakapagtampo nga naman. Tila kahit anong dahilan ko para lumayo sa mga tao, sapat man o hindi, ay hindi ko rin mapipigilan ang karahasan na dulot nito sa damdamin nila.

Sa ngayon, ang tanging magagawa ko lamang ay ang hintayin ang oras na muli siyang aahon mula sa kawalan. Maaaring hindi na rin mangyayari ito, pero kung biglang dumating man ang pagkakataon ay alam kong handa ako.

============

[English translation]

I was reminded of a friend of mine. I really don't know why I remember him; he just suddenly popped out in my head. I was still a university undergrad student when I met him, and throughout my stay in college our friendship just grew strong. I consider him as one of my close friends at that time. We're good-natured enough to stay away from mischief and so we just go about day by day with our usual banter, our approval of each other's crushes and our philosophical ventures. We became classmates too in other courses we took outside our college, and we had lots of memories.

I just have to beg your pardon, because even though I mentioned that there are so much memories in our friendship, I can only clearly remember bits of it. I really have short-term memory most of the time. All I know is that it hurts to be reminded of his seemingly sudden vanishing act in everyone's lives without me knowing anything about what's behind all this. Don't ask me anything because a shrug is all I can give you.

The latest memory I have of him is when I saw him taking part in a student protest within the university grounds. That was around 4 or 5 years ago. I don't even remember what that protest was all about.

But I'm getting way ahead of my story. Let me backtrack some of what I remember about him.

I felt honored to be his assisting artist in one of his recitals back in the day. We really worked hard with that Saint-Saens piano concerto and it was convenient because we have the same piano teacher (or in other terms, I pursued further required piano studies under his teacher back then). I'm happy with this memory because I am aware that it's a big thing for music students to see through all their recital requirements and I know that I was a big helping hand to him then.

We also used to practice our critical thinking skills in some things. We also didn't let go of our German language skills. These are all the effects of having courses in German and also in Philosophy where we first discovered the capacity of the mind to dig deeper in the experiential and the conceptual realms of life. It even went to a point that I was already calling him a "hard-boiled egg", which actually originated from that name-calling we had ("weichei", from "weich ei" which literally means a soft egg). We also usually let other friends join in the banter.

There's this funny memory that I won't forget at all. It was when we group of new friends within a big class decided to have an all-nighter in a female friend's residence that turned out to be a beautiful townhouse. This dude took a shower in the bathroom and we noticed that it was taking him so long. He eventually came out and we were laughing like crazy when we found out why. He told us that he forgot to bring his towel with him in the bathroom, and it would be impossible for him to get our attention without showing his nakedness due to the placement of the door and the mirrors. He just decided to stay put and dry himself out!

But I will really never forget his routine of coming from his place in Cubao going to school by bicycle. I remembered back then that he used to be picked up by his dad with a vehicle, then eventually he came upon this bike routine. I was even amazed because he can manage to brave the busy, dangerous roads along the way. Even until recently, I've known his family to be doing not so well in life. I even know that he just brings an apple to school for lunch everyday. That's frugal living for you.

Then I discovered that his grandmother lives in the US. She was his first piano teacher.

Then I noticed that he was gradually drifting towards the circles of the "tibak" (they are the left-leaning student activists that became the typical brand of the university itself) while I eventually got dismayed by the tibak's kind of politics and their modes of action even though I sympathize with their causes. I still remember that he wasn't present when we pulled up our defenses and our justification of the plight of the music student for a certain friend of ours (a summa cum laude awardee who got the privilege of delivering the commencement speech) who became the center of criticism at that time (one will see my contribution to the defense here).

I remembered that I also wasn't present at his graduation recital because I was in South Korea at that time to participate in a composition competition.

I can't remember anymore how his flight to the US happened. What I know is that he will permanently stay there. It seemed all sudden, or maybe it just seemed so because I don't remember anything about saying farewell or something. I know nothing else anymore except that now he doesn't communicate at all, either through Facebook or Skype. It seemed like his presence in everyone's lives suddenly just vanished. He didn't even try to check his messages when I told him that our piano teacher had already passed away due to health reasons.

Of course I have to admit that it hurts. It's like something unexplainable inside you vanished, and you can't even get to explain it anymore because it will never return at all. It was unlike the memory of another friend of ours who died at the age of 35, with whom good memories are all you remember. In my friend's case though, it was like you were left hanging on the edge. I would really scout the whole US and call him out just to make the fugitive reappear if I could. Sometimes I also thought that if it's possible to turn back time, I would know more and do more just to avoid this happening again. But it's all too late.

Maybe this is also what people around me feel when I intentionally detach from them. They're left clinging on the edge. It's perfectly clear that it hurts. Whatever valid excuse I may come up with, I won't be able to stop the violence this intentional detachment cause in their feelings.

For now, the only thing I can do is to wait for the time when he'll emerge once again. There's no certainty in this; it might not even happen at all. But if the time comes unexpectedly, at least I would be ready.

Comments

Popular posts from this blog

Thoughts on “Have We Even Arrived Before Coming Back Home Again?”

Inspiration: Bus Ride Back to Toronto