Lost in Translation

[English translation follows...]

Akala ko magiging maikli lang ang post na ito. Hindi rin pala.

Nasabihan ako kagabi na huwag ko raw gawing ugali ang walang kamuwang-muwang na pagsasabi ng "Whatever!" tsaka "What???" Ang "Whatever!" daw ay nagpapahiwatig na wala kang pakialam o hindi ka nagpapakatotoo sa harap ng tao, habang ang pagsasabi ng "What???" ay parang nagpapakita ng walang galang dahil masyadong derecho ang punto nito. Ganito daw ang kultura dito sa Canada at hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig dahil kung isasalin ito sa konteksto ng Pilipinas, palarong panakip-butas lang ang pagdadagdag nito sa usapan ng barkada.

Madalas tayong magsabi ng "Ha?" o "Ano?" o kahit "Ano ba yan?" bilang sagot sa mga bagay-bagay na nakakapagpagulat o nakakapagpalito sa atin. Ang mga salitang "Huh?" o "What?" lamang ang unang pumapasok sa isipan natin pag isinalin ang mga ito sa Ingles at dahil hindi nabubuhay ng mag-isa ang wikang Tagalog ng walang kasamang Ingles sa panahon ngayon ay naging ugali na rin nating sambitin lahat sa Ingles. Kaya normal lang na ang ganitong pagsasalin ay madala sa paraan ng ating pananalita ng Ingles. Sa kasamaang-palad ay kailangan ko nang alisin ngayon sa sistema ko ang ganitong klase ng pagsagot.

Ang ugali ng pagsasawalang-bahala ay normal lamang sa konteksto ng Pilipino. Mula sa pagsasa-Diyos ng lahat ng mga bagay hanggang sa kawalan ng pakialam sa mga nangyayari sa atin ay alam nating pamamaraan lamang natin ito sa buhay (kaya tayo may "Bahala na"). Nauna akong namulat sa pagsasabi ng salitang "Whatever!" bilang palarong pagpapahiwatig nitong pagsasawalang-bahala sa taong kausap, tulad kung pano natin sinasagot ang "Bahala ka na nga dyan!" sa mga taong nanunukso sa atin. Para sa akin, makabuluhan ang nangyaring pagsasalin. Ngunit nagkamali ako, dahil para sa mga tagarito, ang pagsasabi nito ay parang na ring nagsasabing "Wala akong paki (sayo)!" kasama ang pagiging madiin ng konteksto natin sa pagsabi nito. Kasama na rin dito ang pagiging plastik sa harapan ng tao. Kaya sa kasamaang-palad ay kailangan ko nang alisin ngayon sa sistema ko ang ganitong klase ng pagsagot.

Siguro ay depende rin sa taong kausap ko ang mga ganitong klase ng paninimbang sa mga salita. Hindi tulad sa atin na madaling makapalagayang-loob ang mga taong nuong una'y di natin kilala, dito ay hindi madaling mangyari ito. Dahil may ugali ang mga tao dito na maglagay ng mga bakod sa kanilang pakikisalamuha sa mga tao ay kelangan mo pang tawirin ang mga harang bago mo maipakita kung sino ka talaga. Ito na nga rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit tila may inferiority complex tayong mga Pilipino sa paningin ng mga tao. Hindi natin sila magawang tratuhin kung pano natin tratuhin ang mga kapwa kaibigan natin sa Pilipinas.

Sa ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa kakaibang epektong nadudulot ng mga salita na pawang simple lang sa pandinig natin. Pero may mas makabuluhan akong natutunan: sa nilagi kong 7 buwan dito sa Canada ay wala man lang nakapagsabi sa akin ng mga ganung bagay (o baka meron pero nakalimot na lang ako). Ito ang tinukoy kagabi ng aking "katukayo" na si Kim, na ito ang tinatawag na accountability, at dahil meron syang maling nakikita sa akin ay kelangan niyang ipagbigay-alam ito para maituwid ito. Nagparinig pa nya na dito ko lang daw yun makikita sa Toronto (at may ganung panggogoyo na nangyayari haha!). Pambihira, dapat kasi may nagsulat na lang ng libro tungkol sa ganito!

Sa ngayon ay gusto kong maisalin sa konteksto ko ang sinasabi niyang accountability. Paano kaya maisasalin ito sa kung nasaan ako ngayon? Umaasa ako na magsimula muling itaguyod ang sarili ko sa Montreal, at sana naman ay sa wala nang maging aberya uli sa pagsasalin nito.

=======================

I thought this will only be a short post. I was wrong.

I was told last night that I shouldn't make the habit of nonchalantly saying "Whatever!" and "What???" Saying "Whatever!" actually shows that you don't care or you aren't being sincere, while saying "What???" shows disrespect because of the directness of the expression. This is Canadian culture and I can't get over it because this is supposedly mere banter among buddies when translated in the Filipino context.

We Filipinos usually say "Ha?" or "Ano?" or even "Ano ba yan?" when we react to things that astonish or confuse us. We translate them in English intuitively as "Huh?" or "What?", and because the Tagalog vernacular doesn't exist without English nowadays, we tend to say everything in English too. So it's normal that we appropriate such translations in the way we speak English. Unfortunately, I need to flush that way of reacting out of my system.

The tendency for nonchalance is normal in the context of the Filipino. We know it's part of our lifestyle, from putting everything to God to having no concern much in what's happening around (that's why we have the phrase "Bahala na" [N.B. something like "So be it/Whatever gives"]). I initially figured that saying "whatever!" is just like showing nonchalance to the person I'm talking to, like the way we Filipinos react to banter with things like "Bahala ka na nga dyan!" [N.B. there's really no literal translation to that]. For me, that kind of translation seems sensible. I was wrong though, because for the locals, saying this is also equivalent to saying "Wala akong paki (sayo)!" ["Like I care!"], along with the strong, assertive association we have with it. Being "plastic" [N.B. the Filipino term for being insincere] in front of people is also portrayed here. So unfortunately, I need to flush that way of reacting out of my system.

Maybe being conscious about choosing the right words depends on the person I'm talking to. While it's easy for us Filipinos to be in familiar terms with strangers, here it isn't that easy. Because people here have the tendency to build walls around their relationships with other people, you have to cross that line first before showing them what stuff you're made of. Maybe that's also one of the reasons why the Filipino seems to possess some inferiority complex in the eyes of other peoples. We can't get to treat them like how we treat our fellow friends back in the Philippines.

As of now, I still can't get over knowing the effects of saying these seemingly simple words. But I've learned something more valuable: throughout staying in Canada for the whole 7 months, nobody even tried to inform me with those kinds of things (or maybe someone actually did but I forgot already who). This is what my friend [N.B. "katukayo" actually means "namesake" but I'll use "friend" instead] Kim was referring to, that we call it "accountability" and that he has to inform me because he sees something wrong in me in order to correct it. He was even insinuating that I can only find that accountability here in Toronto (there's something sinister going on here, eh? haha!). Geez, someone should have written some book about these no-no's instead!

For now, I would like to translate that sense of accountability in my own context. How will I translate that to where I am right now? Well, I'm looking forward to establishing myself again once more in Montreal, and hopefully nothing gets lost in translation along with it.

Comments

Popular posts from this blog

Thoughts on “Have We Even Arrived Before Coming Back Home Again?”

Inspiration: Bus Ride Back to Toronto