Disappearance
[English translation follows...] Meron akong naaalalang isang kaibigan. Hindi ko alam kung bakit ko siya naalala, basta na lang siya biglang bumulaga sa utak ko. Isang mag-aaral pa ako sa unibersidad nuong nakilala ko siya, at sa pamamalagi ko sa kolehiyo ay tumagal naman ang samahan namin. Isa na siya sa mga ituturing kong naging malapit kong kaibigan nuon. Hindi naman kami yung mga tipong maloko at sutil, kaya hanggang asaran, suportahan sa natitipuhang babae at pamimilosopo ang pinag-iikutan ng mga kalokohan namin sa buhay. Naging magkaklase na rin kami sa iilang mga kurso na kelangan naming kunin sa labas ng kolehiyo, at maraming alaala ang naidulot nito. Pero hihingi na rin ako ng dispensa, kasi bagama't sinabi ko na napakarami nga ng mga alaalang iyon, kakarampot na lamang ang mga talagang naaalala ko. Mahina ang aking utak sa pag-aalala ng nakalipas. Ang tanging alam ko ngayon, masakit man ito sabihin pero kahit hanggang ngayon ay hindi ko mawari kung ano ang nangyar...