Posts

Showing posts from 2014

Christmas, anyone?

I would guess that everybody's in a festive mood inside their homes or somewhere out there since yesterday. Enjoying the holidays with family and relatives, opening and giving gifts, treating Christmas like some special time of the year when everybody is obliged to be happy for some reason, whatever that reason is. Like, "find any reason to be happy because it's Christmas." Sending greetings here and there, eating and filling up their tummies, spreading joy, blah. In contrast to that, nothing is stimulating me now, save for writing this blog post. I'm done warming up and tinkering away with the digital piano that my cousin's family have here at their house, and I don't wanna touch it anymore. I'm supposedly finishing my paper writing (oh yes, I am still in the middle of my paper writing!) but I suddenly lost the mood for it. ESPN TV's blaring out in the living room, and the basement's all about Super Smash Bros. There's too much noise g

Disappearance

[English translation follows...] Meron akong naaalalang isang kaibigan. Hindi ko alam kung bakit ko siya naalala, basta na lang siya biglang bumulaga sa utak ko. Isang mag-aaral pa ako sa unibersidad nuong nakilala ko siya, at sa pamamalagi ko sa kolehiyo ay tumagal naman ang samahan namin. Isa na siya sa mga ituturing kong naging malapit kong kaibigan nuon. Hindi naman kami yung mga tipong maloko at sutil, kaya hanggang asaran, suportahan sa natitipuhang babae at pamimilosopo ang pinag-iikutan ng mga kalokohan namin sa buhay. Naging magkaklase na rin kami sa iilang mga kurso na kelangan naming kunin sa labas ng kolehiyo, at maraming alaala ang naidulot nito. Pero hihingi na rin ako ng dispensa, kasi bagama't sinabi ko na napakarami nga ng mga alaalang iyon, kakarampot na lamang ang mga talagang naaalala ko. Mahina ang aking utak sa pag-aalala ng nakalipas. Ang tanging alam ko ngayon, masakit man ito sabihin pero kahit hanggang ngayon ay hindi ko mawari kung ano ang nangyar

Departure

Image
Na sa kanyang paglayag Makita ang tinatamasang Maningning na liwanag. [That in one's voyage One will see what one desires A glimmering light.] (2010) The bus to Montréal just left, and I can't help but just feel a deep sense of sadness as we pass by these buildings and busy streets leading out of Toronto. Why am I leaving once again? I always find that I'm the one intentionally leaving people behind, and it really breaks me every time. But there's no other way but up. No other choice but move forward. And it's so strange that even within just a month, I've found what God wants me to find. Here lies a family among the crowds, a best buddy among a closely-knit group of friends, a hometown among many hometowns, an oasis among stretches of rivers along the vast expanse of a desert. I can't believe that new friends felt like people you've known and cared for a long time, simple words of encouragement felt like chicken soup for the soul,

Lost in Translation

[English translation follows...] Akala ko magiging maikli lang ang post na ito. Hindi rin pala. Nasabihan ako kagabi na huwag ko raw gawing ugali ang walang kamuwang-muwang na pagsasabi ng " Whatever! " tsaka " What??? " Ang " Whatever! " daw ay nagpapahiwatig na wala kang pakialam o hindi ka nagpapakatotoo sa harap ng tao, habang ang pagsasabi ng " What??? " ay parang nagpapakita ng walang galang dahil masyadong derecho ang punto nito. Ganito daw ang kultura dito sa Canada at hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig dahil kung isasalin ito sa konteksto ng Pilipinas, palarong panakip-butas lang ang pagdadagdag nito sa usapan ng barkada. Madalas tayong magsabi ng "Ha?" o "Ano?" o kahit "Ano ba yan?" bilang sagot sa mga bagay-bagay na nakakapagpagulat o nakakapagpalito sa atin. Ang mga salitang " Huh ?" o " What ?" lamang ang unang pumapasok sa isipan natin pag isinalin ang mga ito s

Drowning (2014)

Image

Nomad (part 2)

Image
[English translation follows] Ayan, oras na uli para umupo, alalahanin ang mga araw na dumaan, at magsulat. Kinukwento ko lang kani-kanina sa kaibigan ko ang binabalak kong special project ngayong darating na pasukan. Wala pa man pagsang-ayon ng departamento at ng paaralan ngunit inuunahan ko na sila. Ito ay patungkol sa mga isyu ngayon ng Pilipino at ng taga-Southeast Asia sa kanilang pagkakakilanlan sa sarili at sa kanilang identity na dulot ng sinaunang pananakop ng mga dayuhan, at kung paano ito umaayon sa mga kompositor at sa musika nila. Si Jose Maceda ang pinaka-sentro ng diskursong ito, at masigasig ako na gawin ito dahil sa nakikita kong pamamalagi ko sa McGill ay walang ganung klaseng pagkakataon para sa akin at sa mga ibang estudyante na makarinig ng ganitong usapin patungkol sa musika. Sabi nga ng kaibigan ko na "hindi ba't hindi na siya bago?" at sang-ayon din ako, ngunit napagtanto ko na pag nagsasalita na ako tungkol sa kabilang dako ng mundo na kinab

"Battling An Overwhelming Sense of Loneliness" (July 2014)

Image

Nomad

[English translation follows] Nahihilo pa ako at matagal ang naging byahe sa bus, pero nakarating din ako sa wakas dito sa Toronto. Dito na nakatira ang nanay ko sa kasalukuyan nilang tinitirhan ng mga halos dalawang taon na rin, at bagama't nauna siyang tumira sa katabing siyudad ng Mississauga, dito sa Toronto balak manatili ang aming pamilya sa nalalapit na pagdating nila dito. Ako naman ay mas gusto kong manatili sa Montreal dahil sa umaatikabong pagpapalaganap ng sining duon na nagbibigay ng inspirasyon at gana para sa aking sariling paglikha. Sa madali't sabi, ilang pabalik-balik na rin ang ginawa ko rito simula nuong napadpad ako sa Montreal para mag-aral. Kahit na nakakapagod ang byahe, nasanay na ako sa mga ganito kahahabang byahe. Kung tutuusin, mga mahigit 11-12 oras rin ang pinakamatagal kong naging byahe sa lupa (mula bahay hanggang bus terminal sa Quezon City papuntang Isabela), at mga humigit-kumulang na 16 oras ang pinakamatagal naman sa himpapawid (papuntang

Gethsemane

[English follows] Napansin ko na nuong 2008 pa pala nalathala ang pinakahuling entry dito. Hindi ko na maalala bakit huminto ako sa pag-aalaga ng naturang puwang na nakalaan para sa aking mga pagninilay-nilay, pero sa loob ng isang taon ay iilang kaibigan na ang nag-udyok sa akin para magsulat ng isang blog. Lingid sa kaalaman nila'y talagang meron nga akong isang blog, ngunit hindi ko naman maisip nuong mga panahon na iyon ang halaga ng pagpapanatili nito. Subalit nagbago ang aking pananaw tungkol dito bunga ng mga naging pangyayari nuong mga nakaraang linggo, at muli akong nangailangan ng isang lugar na pwede kong isalin sa pagsusulat ang aking mga hinanakit, mga pinagninilayan, at mga pananaw bilang therapy. Wala naman akong kahit anong sakit, sa pisikal man o sa kaisipan. Ngunit sa pang-uudyok ng maituturing ko na ring malapit na kaibigan dito sa Montreal, sa pamamagitan ng pagsusulat ay maaaring magamot nito ang anumang sama ng loob na naipon sa loob ng 7 buwan kong pamama